Pero ang pagkakaalam ko, hindi ako marunong magluto.
Wala akong alam na dahilan. Siguro dahil napakagaling na cook ng Daddy ko, isama mo na lahat ng pamilya ko. Pwede din dahil sa panganay ako at breadwinner-ish (yehey!), or tamad lang talaga ako. Basta di ko nakahiligan.
Isang Sabado, dahil na rin wala akong magawa (wala na akong pasok sa university), nililista ko ang mga laman ng pantry namin sa Epping. Wala kasing nakakaalam kung ano ba talaga ang nandun, kaya nagdo-doble doble pag naggro-grocery.
Pumasok ang tita ko sa pantry room. "Marunong ka ba magbasa?"
Sabi ko ng bonggang bongga, "Oo naman!" Totoo, babad ako sa internet madalas, at meron akong backlog na mga libro na binili ko at di ko pa nababasa, pero expert ako dyan. Nang bonggang bongga!
Binigyan niya ako ng libro. "Page 242. Creme Caramel. Parang leche flan lang yan. Alis muna kami." Tinignan ko ang cover. Flavours of France.
Hala! Binuksan ko ang page 242. May malaking litrato ng Creme Caramel. Tignan nga natin kung kaya ko 'to! Unang una ang ingredients.
CARAMEL
100g caster sugar
850ml milk
1 vanilla pod
125g caster sugar
3 eggs, beaten
3 egg yolks
Okay! Medyo nahirapan ako sa meaurement ng grams (mahabang kwento), pero sa bandang huli, HAH! Nagawa ko nang ipagsama sama ang ingredients. Lutuan na!
To make the caramel, put the sugar in a heavy based saucepan and heat until it dissolves and begins to caramelize - tip the saucepan from side to side as the sugar cooks to keep the colouring even. Remove from the heat and quickly add two tablespoons of water to stop the heating process. Pour into six 125ml ramekins and leave to cool.
Okay. Na-lost na ako. Needless to say, dalawang palpak ang nagawa ko. Masyado yatang malakas ang init ng stove kaya nanigas ang asukal. Duh!
Pero finally nalagay ko yung syrup sa ramekins. Hindi ko alam kung paano, pero nagawa ko.
Okay. Pagkatapos medyo uneventful and paggawa ng custard (ayoko nang pahabain), pero finally nagawa ko! Nalagay ko sa oven for 35-40 minutes, at dahil akala ko palpak, ni-try ko lang sa dinner plate ko. Ayos, successful!
+++
Sa apat naming masusugid na readers (apat in total, kasama na kaming dalawa), pasensya na sa hiatus. May inayos lang kami ni Nuriko.