Saturday, June 27, 2009

Unang Bahagi

Syempre, heto na naman kami ni Nuriko sa isa sa mga ideya namin. Minsan chika lang, minsan nagagawa pero hindi natatapos, minsan nasisimulan. Etong photoblog napag-usapan na, matagal na. Gusto ko naman ng tagalog ngayon.

At syempre, para sa ikakaalam ng mga readers namin (mga 3), hindi pa rin ako marunong mag-make up.

Maganda ang ideya na ito kasi matagal ko nang hindi nailalabas ang camera ko. Dami kasi gawa e. Pero di ba...yun lang.

EVOLUTION/BRIEF DESCRIPTION

Ria - chronic blogger. May mga 5 blogs in existence, pero isa lang ang malimit na sulatan, at hindi public. Mabuting (charing) kaibigan ni Nuriko ng mga 5-6 taon.

Nuriko - web designer. Idea machine. Dramarama sa hapon at pink ang libangan. Sandamakmak na blogs (di na mabilang!)

Mga Sulat Kay Nuriko - ang photoblog na sinimulan, hango sa librong Dear Mr. Henshaw ni Beverly Cleary, at matinding kalungkutan ng unang buwan sa Sydney.

Sa Lunes, maglalagay ako ng litrato. Ayoko sabihin na everyday (mahirap yun!) pero siguro twice a week muna (para safe!)


Lumang litrato: Yayoi Kusama exhibit chorva.

3 comments:

  1. ria, bakit naman dramarama sa hapon? hehehe... parang medyo nde patok at mabenta yun eh... parang daisy-syete lang. pwede bang panggabing teleserye? or pwede ba Boys Over Flower bago mag-TV patrol na lang?

    kamusta ka na? ala ako panlasa ngayon.

    nuriko: bakit walang lasa yung ham?
    tatay ko: panlasa mo ang sira...

    ganun nga pala pag may sakit... anyway, miss kita! ingat lagi ha! mwahhh!

    ReplyDelete
  2. lolz bongga na lang ang paga-advertise mo, wala akong masabi!

    ReplyDelete
  3. oo dude, ganun talaga... kelangan sumikat tayo... sayang ang DSL! hahaha! :P

    ReplyDelete