Friday, July 3, 2009

Tatlo

Tatlo! Mukhang mabilis ang updates ngayon. Ayos yan. Alam mo na, sabi nga nila, strike the iron...

Pero ayun. Tagalog nga pala tayo. So anong petsa na ngayon? Friday na. Sabi ko pa naman Monday maglalagay ako. Sinabi ko din na twice a week. Pero gusto ko tignan kung mapapansin ni Nuriko na nag-post na ako, haha. Ayun, nag-advertise na din siya. Kaya as of writing, hindi na tatlo ang readers namin kundi apat. (Tatlo = ako, si Nuriko at isang tao na itago na lang natin sa pangalang Tin L.)

Tungkol sa problemang puso, naalala mo nung kumakanta ka ng Pretty Boy sa bus? Gaano katagal na yun? Pero kaya mo pa rin tumawa di ba? So kaya mo yan. Nakita na din kita sa iba ibang levels of unrest mo. Alam ko, kaya mo yan. =)

Ta-daan. Nilabas ko na yung camera ko sa lalagyan. Gusto ko sana kunan ang Parramatta River pag dumadaan yung tren ko papasok sa office. Lagi akong namamangha. Pag nasa tren ka, minsan napapaisip ka kung ano ba talaga gagawin o ginagawa mo. Pinipilit mo ilabas ang mga nasa laman ng isip mo, at ibalik ng alpabetical order. Or i-sort by priority.

Or matulog ka na lang. Unfortunately, sa pagkakataon na'to, nakatulog ako. Pag gising ko, medyo nalampasan ko na picturesque na area ng ilog:



Next time na lang.

Thursday, dumating ang kaibigan at officemate ko dati (sa Clark) sa Sydney, so inikot ko siya. Mga alas kwarto ng hapon, dalawang beach, isang ferry ride, tatlong sakay sa tren at sandamakmak na touristy things to do, naramdaman ko na napahiga ako sa damo sa Royal Botanical Gardens sa Sydney. Tapos naalala ko na dala ko pala yung camera ko.




Self portrait-ish.



Hanggang sa susunod na photo entry!

PS. Nuriko, kelangan pag usapan natin, pero gumawa tayo ng CSS projects! I'm so game na!

4 comments:

  1. correction ria, hindi sa bus yun. sa MRT... remember? hehehe...

    ako pa, nakailang bukas ako kanina dito. susunod na lang ang post ko. wala ako sa mood magpacute sa camera kasi may sakit ako. T_T

    ReplyDelete
  2. dagdag lang, ria isama mo na sa mga readers yung nagcomment sa ad ko sa facebook. hehehe... at yung naka-follow na sa blog natin na officemate ko: si john. ^_^

    ayt?! sige! mwah!

    ReplyDelete
  3. naks nman special mention name ko .. haha : ) thanks.

    ReplyDelete
  4. uu naman john... hehehe... ikaw pa! adik ka rin sa pagonline eh... :P

    ReplyDelete