Wednesday, July 8, 2009

Mga Litrato Ni Ria At Nuriko, atbp.

Syempre ngayon lang ako naka-update ulit, pero hindi naman ako nangako na araw-araw, so keri lang. Nae-enjoy ang camera ko makalabas labas ulit, so ayos yun.

Hindi ko kilala yang mga babae na nilagay mo sa huli mong post (mahina ako sa pop in general), pero walang panama yan sa mga ito:



I'm sure may mas vintage pa dyan (graduate na yata tayo nyan), pero di ko na mahanap. Yung naalala ko lang may coop picture tayo na naka Tasmanian Devil shirt ka (with matching 'Kirara' hairclip) at naka orange Tigger shirt naman ako (with Buddha Beads accesories). Unfortunately, kahit alam kong nai-scan at na publish ko yun for all the online world to see, closed na ang geocities/village photos account ko.

Heto na ang pinaka-lumang Ria/Nuriko photo ko, galing sa baul, at napaka-chaka ng resolution, kuha ng panahon ng Systems Analysis and Design:



2003 pa nun, at di pa uso/di pa affordable ang laptop. Dala dala natin ang mga mammoth sized CPU natin pag nagpre-present. Shala pa kasi kelangan mag-special trip sa tricycle. Mahirap din kasi dala dala mo yun mula gate hanggang main.

Tapos pabalik.

Syempre iba na ngayon. Nung nag systems ulit ako, lahat kami may laptop na. Kung saan saan kami nakakarating, pero keri lang kasi ang gaan gaan ng feeling.

Ewan ko kung meron ka pang mas vintage pa dyan (o meron kang kopya ng litrato na tinutukoy ko), share mo na lang if ever.

+++

CURRENT PHOTOS

Naalala mo nung sinabi mo na pag pumunta ako sa Opera House makikita ko yung lovelife ko? Well, officially dalawang taon na ako dito, at di na mabilang ang pagdaan ko sa bahay na ito pero wala pa rin. Gayunpaman, masarap naman gawing photo-op ang bawat bisita. Minsan din pwede kang mag-muni muni.

Etong latest, dumating kasi yung tita ko galing Manila, so syempre, kelangan gawin ang mga touristy things to do 101. Picture picture! Dahil marami na akong kuha dun, ako naman ang photographer. Nakuhanan din naman ako...nakaupo sa bangketa.



May park sa tabi ng Opera House. Ang tawag ay Royal Botanical Gardens (refer to old Mga Sulat Ni Nuriko blog for more pictures). Malaki yun e, ngayon lang ako nakaikot ikot kasi may turista.




Pero maganda pa rin ang Opera House. Lovelife or no Lovelife.

5 comments:

  1. Grabe, nabigla ako sa post mo. At natakot ako kasi baka mai-post mo yung pix nung first year college tayo! hahaha!

    ReplyDelete
  2. Hindi ko na mahanap yun e. Pero na-post ko pa yun sa first ever website ko (wala naman akong website ngayon so I can safely say first and only lol)

    ReplyDelete
  3. hahaha! wag mo na ipost... hindi na ako interesado! :P

    ReplyDelete
  4. toyomansi, pwede mo bang ipost ung pics ni mish na naka-floral na palda siya? hahaha! sayang di pa masyadong uso ang cam nung panahon na yon. sana nacapture yung mga yon. pati mga lunch sa East Wing 4th floor! haha!

    ReplyDelete
  5. nog, wala ka na namang magawa. ako na naman napagtripan mo!

    anyway, ria nde ako makapagpost. sira ang cam ko. ibalik ko muna sa pinagbilhan ko. hassle... hehehe...

    ReplyDelete