Monday, July 27, 2009

Creme Caramel

Hindi ako marunong magluto. Ok, kaya ko naman magpa-andar ng stove (electric or LPG, may pipihitin ka lang, oha oha), at kaya ko din mag-prito ng itlog, hotdog, corned beef, meat loaf at galunggong. Marunong din akong maglaga ng itlog at gumawa ng super sarap at tamang tama lang ang pagkakulo na Lucky Me Pancit Canton (kahit anong flavour pa yan).

Pero ang pagkakaalam ko, hindi ako marunong magluto.

Wala akong alam na dahilan. Siguro dahil napakagaling na cook ng Daddy ko, isama mo na lahat ng pamilya ko. Pwede din dahil sa panganay ako at breadwinner-ish (yehey!), or tamad lang talaga ako. Basta di ko nakahiligan.

Isang Sabado, dahil na rin wala akong magawa (wala na akong pasok sa university), nililista ko ang mga laman ng pantry namin sa Epping. Wala kasing nakakaalam kung ano ba talaga ang nandun, kaya nagdo-doble doble pag naggro-grocery.

Pumasok ang tita ko sa pantry room. "Marunong ka ba magbasa?"

Sabi ko ng bonggang bongga, "Oo naman!" Totoo, babad ako sa internet madalas, at meron akong backlog na mga libro na binili ko at di ko pa nababasa, pero expert ako dyan. Nang bonggang bongga!

Binigyan niya ako ng libro. "Page 242. Creme Caramel. Parang leche flan lang yan. Alis muna kami." Tinignan ko ang cover. Flavours of France.

Hala! Binuksan ko ang page 242. May malaking litrato ng Creme Caramel. Tignan nga natin kung kaya ko 'to! Unang una ang ingredients.



CARAMEL
100g caster sugar

850ml milk
1 vanilla pod
125g caster sugar
3 eggs, beaten
3 egg yolks

Okay! Medyo nahirapan ako sa meaurement ng grams (mahabang kwento), pero sa bandang huli, HAH! Nagawa ko nang ipagsama sama ang ingredients. Lutuan na!



To make the caramel, put the sugar in a heavy based saucepan and heat until it dissolves and begins to caramelize - tip the saucepan from side to side as the sugar cooks to keep the colouring even. Remove from the heat and quickly add two tablespoons of water to stop the heating process. Pour into six 125ml ramekins and leave to cool.

Okay. Na-lost na ako. Needless to say, dalawang palpak ang nagawa ko. Masyado yatang malakas ang init ng stove kaya nanigas ang asukal. Duh!



Pero finally nalagay ko yung syrup sa ramekins. Hindi ko alam kung paano, pero nagawa ko.



Okay. Pagkatapos medyo uneventful and paggawa ng custard (ayoko nang pahabain), pero finally nagawa ko! Nalagay ko sa oven for 35-40 minutes, at dahil akala ko palpak, ni-try ko lang sa dinner plate ko. Ayos, successful!






+++

Sa apat naming masusugid na readers (apat in total, kasama na kaming dalawa), pasensya na sa hiatus. May inayos lang kami ni Nuriko.

13 comments:

  1. hahhaa... may cooking show na tayo. ang saya naman. well baka balik ulit sa ating tatlo ang pagiging reader (ako, ikaw at ang isang babaeng itatago natin sa pangalang tin). pero ayos lang! hehehe... so ano, masarap ba niluto mo? sira pa rin ang phone ko. badtrip na ako.

    ReplyDelete
  2. Bakit may LQ ba na naganap? Keri lang, wala akong pakialam sa readers. Nagtatago nga ako e.

    ReplyDelete
  3. wala namang LQ. kaya lang matagal na-tengga ang blog natin at itong si marvis eh hinakot ang mga readers natin.

    ReplyDelete
  4. lol. dedma lang. normally competetive ako pero na cross-out ng kasabihang ito:

    Imitation is the greatest form of flattery.

    Nuriko, pwede din ba ako mag-blogroll? Ayusin natin 'tong site? Mas interested ako dun.

    ReplyDelete
  5. naku gusto ko itry yan, creme caramel, looks delicious : ),

    ReplyDelete
  6. ...marunong din ako magluto ng leche flan' nakailang beses din ako palpak sa pag caramelized ng sugar. ngayn mukang perfect ko na ang timpla at lasa. alam ni Nuriko yan... natikman na nya, hehehe

    ReplyDelete
  7. Hahaha. Marami akong pictures ng palpak na caramelized na sugar (mga tatlong pans yata nagamit ko), kaso wag na lang.

    Ngayon nga naisip ko, simple lang naman pinapagawa saken e. Saka itlog lang ang main ingredient.

    Hindi lang talaga ako marunong magluto. =)

    ReplyDelete
  8. praktis lng yaan, ders olweys a first taym : )

    ReplyDelete
  9. wow, mukang masarap! pero ang huling litrato at tila madugo ang pinagdaanan sa bahid ng kung anu ano sa kanyang paligid! parang nag chocolate cake ka muna then saka ung leche flan! HAHA!


    "i want nobody, nobody, but you. clap! clap!"

    ReplyDelete
  10. laing yan, nog. Alam mo, medyo nawi-weirdohan ako kung nog tawag ko sayo. Manny na lang pwede?

    PS hindi ko alam yung kantang yan haha. =)

    ReplyDelete
  11. nde mo alam yan ria??? haaayyy... uso kaya yan ngayon...

    ReplyDelete
  12. Hindi ko alam yang kantang yan. Sorry, wala sa sirkulasyon...

    ReplyDelete
  13. hi...
    this is my first visit here..
    nice blog my friend
    happy blogging

    ReplyDelete